^

PM Sports

Iba’t ibang personalidad ni Manny Pacquiao

Pang-masa
Iba’t ibang personalidad ni Manny Pacquiao

Manny Pacquiao

MANILA, Philippines – Pambansang Kamao, ‘PacMan’, Pacquiao, Manny…yan ang iba’t ibang tawag sa kanya.

Nakilala natin siya bilang isang mahusay na boksingero at ngayon ay isa nang senador.

Sa ika-13 anibersaryo ng P.M., alamin natin ang kanyang iba’t ibang personalidad.

1. Bilang Boxer

Si Pacquiao ay ikinukonsidera sa buong mundo na isa sa mga greatest boxers of all time dahil siya ang una at tanging eight-division world champion matapat, nanalo ng 11 major world titles.

Napili siyang “Fighter of the Decade” para sa dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA), WBC at WBO. Siya ay three-time Ring magazine at BWAA Fighter of the Year noong 2006, 2008 at 2009 at ang Best Fighter ESPY Award noong 2009 at 2011.

Para sa BoxRec, siya ang greatest Asian fighter of all time.

Matagal din siyang naging best pound for pound boxer in the world ng iba’t ibang sporting news at boxing websites, kabilang ang ESPN, Sports Illustrated, Sporting Life, Yahoo! Sports, About.com, BoxRec at The Ring, mula nang umakyat siya sa lightweight  division bago siya natalo noong 2012. Si Pacquiao ay isa na sa mga Hall of Famer ng Philippine Sportswriters Association.

2. Bilang pulitiko

Unang nahalal si Pacquiao sa House of Representatives sa 15th Congress of the Philippines bilang kinatawan ng Sarangani. Muli siyang nahalal noong 2013  at noong June 2016, siya ay nailuklok bilang Senador at siya ay manunungkulan dito ng anim na taon hanggang 2022.

Nais ni Pacquiao na maalala siya hindi lamang bilang isang mahusay na boksingero, kung di bilang isang matapat na public servant.

“I believe that government is public service, not personal business,” ani Pacquiao. “May salary o wala, wala namang problema sa ‘kin. Basta ang mahalaga, kailangan tapat sa pagseserbisyo.”

Hindi matalikuran ni Pacquiao ang pagboboksing dahil dito nagmumula ang kanyang pera na ibinubuhay niya sa kanyang pamilya at ginagamit para makatulong sa mga nangangailangan.

“Ayaw kong maapektuhan ‘yung pagtatrabaho ko, pagseserbisyo ko sa taong bayan. For the meantime, kumikita ako ng para sa pamilya ko, at ayaw kong gamitin na livelihood ‘yung pagseserbisyo ko sa government,” sabi pa ni Pacquiao.

3. Bilang Bible Ambassador

Hindi lingid sa lahat na may kalokohan si Pacquiao noon, sugal, babae, inom, sabong...napagdaanan niya lahat iyan.

Ngunit tinalikuran niyang lahat ito pati ang kanyang pagiging Romano Katoliko nang siya ay pumasok sa, Evangelical Protestant matapos diumano’y managinip kung saan nakita niya ang dalawang anghel at narinig ang tinig ng Diyos.

Nang siya ay magbago, ipinasara ni Pacquiao ang mga bilyaran, sabungan at casino na may kaugnayan sa kanya at binago niya ang kanyang buhay ayon sa kanyang paniniwala.

Araw-araw ang pagba-bible study ni Pacquiao at pagbabahagi ng Salita ng  Diyos.

Animo’y nagiging “house of worship’ ang kanyang bahay sa tuwing mayroon silang bible study.

Kasama ni Pacquiao ang kanyang asawang si Jinkee sa pananampalataya pati na ang kanyang mga buong pamilya, mga kaibigan at mga fans.

Kahit sa kasagsagan ng pagte-training ni Pacquiao, hindi niya nakakaligtaan ang pagwo-worship.

Ang lahat ng kanyang tagumpay ay inialay niya sa Panginoon at layunin niyang ibahagi ang Salita ng Diyos sa lahat.

4. Bilang asawa at ama

Hindi nakakalimutan ni Pacquiao ang kanyang pamilya bagama’t marami siyang gawain at tungkulin.

Mula nang magbago si Pacquiao, higit silang naging magkalapit ng kanyang asawang si Jinkee at lalo siyang napalapit sa kanyang mga anak na sina Mary Divine Grace Pacquiao, Emmanuel Pacquiao Jr, Israel Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao at  Michael Pacquiao.

Ang turning point para sa mag-asawa ay nang muntik nang matalo si Pacman sa kanyang ikatlong pakikipagharap kay Juan Manuel Marquez.

Nagbalik-loob sila sa Diyos at sa Bibliya at ang counseling ang muling bumuhay ng kanilang pagsasama.

Laging magkasama ang mag-asawa sa mga evangelical activities pati na ang kanilang mga anak.

Sinisikap din ni Pacquiao na mailapit sa Diyos ang kanyang ibang pamilya at mga kaibigan.

5. Bilang  kaibigan

Humarap na sa 64 laban si Pacquiao sa kanyang buong professional career at isang tao lang, hindi si Jinkee, hindi si Mommy Dionisia at hindi ang isa sa kanyang kapatid ang nakasaksi sa lahat ng 407 rounds ng live ng kanyang laban.

‘Yan ay ang kanyang matalik na kaibigan at trainer na si Buboy Hernandez.

Kinupkop ni Pacquiao si Hernandez sa lansangan ng Gen. San bilang kaibigan ng kanyang kapatid na si Bobby.

Mula sa pagiging tagalinis sa gym ay tinuruan niya itong maging trainer na siya nilang pinagsamahan ng maraming taon.

Hindi lamang bilang trainer ang relasyon ni Pacquiao kay Freddie Roach. Para na rin niya itong tatay at kaibigan sa tagal ng kanilang pagiging magkatrabaho bilang coach niya sa lahat ng kanyang mga laban.

Si Hernandez ay higit 20-taon nang kaibigan ni Pacquiao, si Roach ay higit 15 taon nang katrabaho ni Pacquiao. Kasama niya sa lahat ng tagumpay at kabiguan sina  Hernandez at Roach. Kasabay ng pag-angat ni Pacquiao ay ang pag-angat din ng buhay nina  Hernandez at Roach.

Inaasahang may natitira pang isang laban si Pacquiao bago niya tuluyan nang tuldukan ang kanyang boxing career. Sa labang ito, asahang nasa-corner pa rin niya ang dalawang taong malapit sa kanya, si Buboy at si Roach.

6. Bilang negosyante

Bukod sa mga “investments,” si Pacquiao at Jinkee  ay may mga businesses din tulad ng water refilling station, fashion boutique, gasoline station, arcade building, dermatology clinic, economy hotel, merchandise store at iba pa.

Hindi puwedeng boxing lang naman ang pagkakitaan ni Pacquiao, kailangan din niyang kumita sa ibang paraan.

Kahit kamal-kamal na ang kanyang pera, hindi siya tumitigil para kumita ng pera.

Ito ay para matulungan niya ang kanyang mga kapatid, mga kamag-anak pati na ang mga kaibigan at lahat ng mga nangangailangan na lumalapit sa kanya.

7. Bilang pilantropo

Ayon sa reliable na Forbes Magazine,  umabot ang kinita ni Pacquiao mula sa kanyang mga laban at endorsements sa  tinatayang $500 million para magkaroon ng net worth na P1.7 bilyon gayunpaman ay hindi siya umabot sa listahan ng 50 riches Filipinos ngunit kasama siya sa 40 Heroes of Philanthropy.

Ayon sa Forbes Asia, may foundation si Pacquiao na nagsimula noong 2014 na nagbigay ng 200 scholarships at nagbigay ng $400,000 na medical assistance sa mga nangangailangan.

Bukod pa rito, gumagaastos din si Pacquiao ng  $400,000 kada-taon sa  pagpapaaral ng 1,000 students at tumutulong din sa pagpapatayo ng bahay ng Habitat for Humanity Philippines.

8. Bilang kolektor

Siyempre naman may mga bagay din na nais si Pacquiao para sa kanyang sarili.

After all, he deserves it naman para sa lahat ng kanyang paghihirap sa pagboboksing.

Siyempre bukod sa kanyang mga mamahaling damit, sapatos at alahas, hinahangaan ng marami ang koleksiyon ni Pacquiao ng mga sasakyan.

Kung dito sa Pinas ay  Mitsubishi SUV lang ang madalas na gamit ni Pacquiao,  sa Amerika ay mayroon siyang  Ferrari 458, Mercedes-Benz SL550, at 2005 Lincoln Navigator.

Mayroon din siyang sariling helicopter.

Si Pacquiao ay may mansion sa Forbes Makati, General Santos, Los Angeles sa California, sa Boracay at sa Laguna.

9. Bilang playing coach

Bagama’t ang pinaka-focus ni Pacquiao ay ang kanyang pagiging Senador, evangelist at pagiging boxer, malapit din sa puso niya ang basketball.

Siya ang kasalukuyang playing coach ng Mahindra Floodbuster.

Siya ay na-draft na pang-11th overall pick sa first round ng 2014 PBA draft, para maging pinakamatandang rookie na na-draft at pinakamaliit na player  at dual-sport athlete sa Philippine Basketball Association.

Kahit abala siya sa kanyang mga gawain ay hindi nakakaligtaan ni Pacquiao ang kanyang trabaho bilang playing coach.

10. Billiards player

May talent din si Pacquiao sa pagbibilyar na dati rin niyang naging bisyo.

Naging malapit si Pacquiao sa ilan sa mga mahuhusay na bilyarista ng bansa.

Sa katunayan, isa siya sa tumutulong sa pagbuhay ng larong bilyar.

Dahil nahiligan niya ang paglalaro ng bilyar ay naging mahusay siya sa larong ito at kinakalaban pa niya ang mga top players ng bansa.

11. Bilang chess player

Hilig din ni Pacquiao ang paglalaro ng chess.

Hindi pa marunong magboksing si Pacquiao ay naglalaro na siya ng chess

Sinusuportahan din niya ang chess sa pagpapa-tournament at pagbisita sa mga malalaking chess tourney.

Madalas niyang kinakalaban ng chess ang kanyang mga kaibigan at minsan na niya ring nakaharap ang top chess player ng bansa na si Eugene Torre.

12. Bilang artista

Bagama’t tapos na ang showbiz career ni Pacquiao, hindi malilimutan ang ilan sa kanyang mga pelikula tulad ng Lisensyadong Kamao, Anak ng Kumander at Wapakman. Nagkaroon din siya ng infotainment show na Pinoy Records at sitcom na Show Me Da Manny.

13. Bilang singer

Nagkaroon din ng singing career si Pacquiao kaya patung-patong na ang kanyang pagiging celebrity.

Ang kanyang unang album na Laban Nating Lahat Ito,  ay platinum na sa Philippines. Sinundan niya ito ng Pac-Man Punch.

Sumikat din ang kanyang rendition ng “Sometimes When We Touch.”  Ni Dan Hill’.

Sariling kanta ni Pacquiao ang kanyang  “walk-out music,”  na “Lalaban Ako Para Sa Filipino,” na pinatutugtog tuwing lalabas siya ng venue paakyat ng ring.

Mahilig talagang kumanta si Pacquiao at ito ang isa sa kanyang libangan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with