Programa para sa Gilas bubuuin ni Chot
MANILA, Philippines – Bago matapos ang taon ay inaasahang makakagawa na si national team head coach Chot Reyes ng isang competition timetable para sa Gilas Pilipinas kasama ang training schedule.
Ito ay bilang pagha-handa para sa 2017 SEABA championship kung saan hangad ng Gilas na makapaglaro sa FIBA Asia Cup sa Agosto at makasama sa home-and-away qualifying series patungo sa 2019 FIBA World Cup sa China.
Kamakailan ay lumagda ang SBP at PBA sa isang memorandum of agreement para sa kanilang pagtutulungan sa Gilas program.
Sa unang mga buwan ng 2017 ay bubuo si Reyes ng Gilas training pool na may 24 players mula sa PBA.
Ang pool ay kabibila-ngan ng 12 Gilas rookies sa PBA at tig-isang player mula sa 12 PBA franchises.
“Once the pool is formed, we could then agree on a training sche-dule,” sabi ni assistant coach Jong Uichico. “Coach Chot could initially call for once-a-week practice then when the tournament is just a month away, practice could be more often. It would be up to coach Chot.”
Ang magkakampeon sa SEABA ang mabibigyan ng karapatang katawanin ang Southeast Asian sub-zone sa 16-team FIBA Asia Cup sa Agosto.
Sa ilalim ng bagong FIBA competition format, ang FIBA Asia Cup ang dedetermina ng 14 sa 16 koponan na maglalaro sa six home-and-away windows sa November 2017, February, June, September at November 2018 at February 2019.
Ang anim na windows ang mag-aakay sa pitong kakatawan sa Asia/Oceania sa 2019 FIBA World Cup.
Ang China ang magi-ging pangwalong team mula sa Asia/Oceania na may automatic slot bilang host nation. Kung mabibigo ang Gilas sa 2017 SEABA tournament, maghuhulog ang Pinas sa Division B sa Asia/Oceania.
- Latest