Cojuangco Cup bukas

MANILA, Philippines - Nakatakda bukas ang pagdaraos ng 2016 Phi-lippine Racing Commission Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr., Cup sa Metro Turf Club sa Malvar-Tanauan, Batangas.

May pitong de-kalidad na kalahok ang sumali sa prestihiyosong karera na handog sa unang chairman ng PHILRACOM na naitatag noong 1974 para mangasiwa sa lagay ng industriya ng karera.

Anim na mga imported runners ang su-mali sa 2,000 metro distansiyang karera at isa naman ang natatanging locally-bred thoroughbred.

Ang mga imported horses mula sa USA ay ang Haley’s Rainbow na papatungan ni apprentice Onil P. Cortez, Sakima na rerendahan ni John Alvin Guce at Atomicseventynine na dadalhin ni Apoy P. Asuncion.

Tatlo rin naman ang naisaling pangarera na nagmula sa Australia at ito ay ang Silver Sword na sasakyan ni John Paul A. Guce, Exhilarated na papatungan ni Jeffrey T. Zarate at Love To Death na gagabayan ni Jonathan B. Hernandez.

Ang natatanging local horse ay ang Manalig Ka na palahi ni businessman/sportsman Hermie Esguerra na siya na ring nagkukondisyon.

Si Fernando M. Raquel Jr., ang inatasan para gumabay sa Manalig Ka.

Naglaan ng P2-mil-yon papremyo ang PHILRACOM na kung saan ang kampeon ay tatanggap ng P1,200,000; ang runner-up ay P450,000; sa third place ay P250,000; at sa fourth ay P100,000.

May breeders purse rin na P70,000.

Siniguro naman ng pamunutan ng Metroturf Club na ang kanilang mga invitational races ngayon at bukas ay may garantisadong prem-yong P120,000 para sa magwawagi. (JM)

Show comments