^

PM Sports

Arellano volleybelles nakisalo sa liderato

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinalo ng Arellano University Chiefs ang Emilio Aguinaldo College Generals, 25-21, 25-22, 25-13 kahapon upang makisosyo sa liderato sa men’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament na ginanap sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Sa panalo ng Arellano Chiefs, umangat sila sa three-way tie sa itaas ng standings kasama ang Mapua Cardinals at San Beda College Red Lions sa parehong 2-0 slate.

Ipinakita ni team captain Bernasid Latip ang ma-lakas na palo para sa kanilang ikalawang sunod na panalo. Tumapos si Latip at John Joseph Cabilan na may parehong tig-11 puntos bawat isa para sa larong tumagal ng isang oras at ilang minuto lamang.

Dahil sa kanilang talo, ang EAC Generals na kampeon sa men’s division noong 2014-2015 season at runner-up noong nakaraang taon ay nalaglag sa hulihan ng standing sa 0-2 card.

Sa women’s division, nagwagi ang Arellano Lady Chiefs kontra sa EAC Lady Generals, 25-14, 25-11, 25-19, para itala ang kanilang unang panalo sa dalawang laro.

NCAA VOLLEYBALL TOURNAMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with