MANILA, Philippines – Nagpakitang-gilas ang Adamson Universi-ty matapos talunin ang Far Eastern University-Diliman, 78-65, sa UA-AP Season 79 juniors basketball tournament kahapon sa San Juan Arena.
Nanguna si Gerry Abadiano para sa Baby Falcons sa itinala niyang 14 puntos, habang tatlo pang kakampi niya ang umiskor ng double-figure.
Mula sa 42-41 kala-mangan sa pagtatapos ng first half ay nagposte ang Adamson ng 16-8 run sa simula ng third period at hindi na muli pang nilingon ang FEU-Diliman.
Nagtapos namang top scorers para sa Baby Tamaraws sina Kenji Roman at Jack Gloria sa kanilang tig-12 puntos.
Nakatabla sa FEU sa patas na barahang 1-1 ang University of the Philippines Integrated School makaraang pa-dapain ang De La Salle-Zobel, 81-59.
Pinamunuan ni Juan Gomez de Liano ang Junior Maroons sa itinala niyang 20 puntos, 9 rebounds at 6 assists.
Sa panig naman ng Junior Archers ay nagta-la si Joaqui Mariano ng 16 puntos. FMLumba