NEW YORK – Pinagmulta si New York Knicks guard Brandon Jennings ng $15,000 dahil sa pagbibitiw ng mga ‘di magandang salita laban sa isang official at hindi agad lumabas ng court nang siya ay ma-eject sa laro, ayon sa pahayag ni Kiki VanDeWeghe, Executive Vice President, Basketball Operations.
Nangyari ang insidente, may 3:20 minuto ang natitira sa 115-87 pagkatalo ng Knicks laban sa Boston noong Nov. 11 sa TD Garden.