^

PM Sports

Lady Archers nakalapit sa No. 2 spot

UBOS - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umiskor ng 22 puntos si Khate Castillo, habang nag-ambag ng double-double na 13 puntos at 10 rebounds  si Snow Peñaranda para pangunahan ang De La Salle sa 65-48 paggapi sa University of the Phi-lippines at makalapit sa target na No. 2 seed sa playoffs kahapon sa UAAP Season 79 wo-men’s basketball tourna-ment sa Mall of Asia Arena.

Sa isa pang laro, nakakuha naman ang University of the East ng 19 puntos kay Ruthlaine Tacula nang padapain nila ang Adamson University, 66-55, para buhayin ang tsansa para sa  ‘twice-to-beat’ incentive sa semifinals.

Tumaas ang second-running na Lady Archers sa 10-3 at isang laro ang kalamangan sa  Lady Warriors na may  9-4 marka sa ikatlong puwesto.

Para  makahirit ng playoff sa No. 2 spot ay kailangan ng Lady Warriors na igupo ang University of Santo Tomas Tigresses at umasang matatalo naman ang Lady Archers sa Lady Eagles.

Nalaglag ang Adamson University sa sa 5-8 kartada sa ikalimang puwesto kasunod ng UST (6-7).

Posibleng magkaro-on ng playoff para sa No. 4 slot kung mana-nalo ang Lady Falcons  laban sa  Far Eastern University at matatalo ang Tigresses sa Lady Warriors.

Nahulog  naman ang UP sa ika-11 nilang pagkatalo sa 13 laro. FMLumba

KHATE CASTILLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with