Tigresses may pag-asa pa

MANILA, Philippines – Tumapos na may 16 puntos si Candice Magdaluyo upang  manguna para sa University of Santo Tomas nang padapain ang Adamson University, 74-70 at mapanatiling  buhay ang tsansa nilang pumasok sa Final Four round kahapon sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasunod ni Magdaluyo sina Shanda Anies, na may 14 puntos, 6 rebounds, 5 assists at 4 steals, at Jhenn Angeles na may 12 puntos para sa naturang panalo ng Tigresses na nag-aasam  na makahanay  ng defending two-time champion National University, De La Salle at University of the East sa susunod na round.

Umangat ang UST sa barahang 6-7 panalo-talo sanhi ng nasabing panalo  habang bumaba naman ang Lady Falcons sa 5-7 na marka.

Sa isa pang laro sa pagitan ng kapwa eliminated nang mga koponan ng University of the Philippines at Far Eastern University, nakaungos ang una, 46-44  para sa ikalawa nilang panalo sa loob ng  12 laban. FML

Show comments