Bigo si Donaire

Nilapitan ni Nonito Donaire si Jessie Magdaleno para batiin.

LAS VEGAS – Lu-maban nang husto si Filipino Nonito Donaire Jr. ngunit hindi ito sapat para makuha ang puntos ng mga hurado.

Isinuko ni Donaire ang kanyang suot na WBO junior-featherweight crown kay Mexican-American Jessie Magdaleno matapos makalasap ng unanimous decision loss kahapon dito sa Thomas & Mack Center.

Kumpiyansang umakyat si Donaire ng boxing ring na umaasang mapa-panatili ang dominasyon sa 122-lbs weight class.

Ngunit ganap siyang nakontrol ng mas bata at mas malakas na si Magdaleno sa loob ng 12 rounds.

Nakakuha ang 24- anyos na si Magdaleno ng mga iskor na 116-112, 116-112 at 118-110.

Itinaas ni ring announcer Michael Buffer ang kamay ni Magdaleno bilang bagong WBO junior-featherweight champion bitbit ang ring record na 24-0-0 kasama ang 17 knockouts.

Ito naman ang ika-24 kabiguan ni Donaire na may 37 panalo tampok ang 24 knockouts. Hindi siya nakapaniwala sa kanyang narinig na iskor.

Matapos ang announcement ni Buffer ay kaagad siyang bumaba ng ring.

Dumiretso siya sa lamesa kung saan naroon sina ring commentators kabilang si analyst at boxer Timothy Bradley at naki-pag-usap bago nagtungo sa kanyang dressing room.

“This is unbelievable,” wika ni Donaire. “We definitely won the fight. Losing this never crossed my mind. I controlled the second half of the fight. This is hard to believe. I thought we controlled the fight.”

Nilapitan ni Magdaleno si Donaire sa loob ng ring matapos ang laban at nagyakapan. “I have respect for you,” sabi ni Magdaleno sa 33-anyos na Filipino fighter.

Show comments