Crisostomo at Ong mas sikat na horseowners

MANILA, Philippines - Sina Paolo Crisostomo at Conrado Ong ang dalawa na pinakasikat nating horseowners na nagtakbo ng kani-kanilang kabayo noong Linggo sa karerahan ng Santa Ana Park.

Pero mas sikat marahil si Crisostomo dahil nai-announce pa na bago ang pagtawid sa meta ng kanyang entry ay malakas na naisisigaw ang pagi-ging board member niya sa probinsiya ng Cavite na kung saan ay naroroon ang dalawang karerahan.

Tumakbo ang Lady Pio na inakay ni Louie D. Balboa sa Invitational-10 kalaban ang limang iba pa.

Nang rumemate ang Lady Pio at lagpasan ang mga kalaban ay tuluyan nang lumayo patawid ng finish line.

At dito ay tila nagbu-bunyi ang race caller na animo’y siya lang ang nakataya sa nanalong ka-bayo ni Crisostomo.

Sa sinundang karera na Handicap-5 ay may en-try din si Crisostomo na Regal Baby at si Balboa rin ang patong pero hindi na naisigaw ng race caller ang pangalan niya.

May naisigaw na ibang pangalan at ito ay ang horseowner na si Conrado Lito Ong.

Ang nanalo kasi sa karera ay ang kabayo ni Lito Ong na Dauntless na pinatakbo ng banderang tapos ni apprentice jockey W.L. Delfin.

Marami rin mga sikat na horseowners pero hindi masyadong nabibigyan ng sapat at karapat-dapat na pansin.

Nariyan sina Atty. Narciso O.Morales, Raymond B. Puyat, E.B. Dimacuha, MJD Tionloc at iba pa na nagsipanalo rin ang kanilang mga kabayo.

Hugando ang pagkakapanalo ng Cat’s Dream na ginabayan ni John Alvin Guce sa penultimate card.

Si Puyat ay nakaiskor din ng isang panalo sa pa-mamagitan ng kabayong Corragioso sa isa pang Handicap-5.

Nagwagi naman ang Valkan Lady sa Handicap-10 na entry ni Dima-cuha. (JMacaraig)

 

Show comments