AUBURN HILLS, Mich. -- Muling tumapos si Andre Drummond sa double-double, at inamin ni Detroit coach Stan Van Gundy na sobra-sobra ang ibinigay na kontribusyon ng seven-footer.
“He’s just been really willing offensively to give himself up. He knows the attention he draws and he has been willing to do that,” wika ni Van Gundy kay Drumong. “That’s frustrating at times, but he’s still getting shots - a lot of them are offen-sive rebounds, I understand that, but he’s still getting the ball down there and getting a chance to score.”
Humakot si Drummond ng 20 points at 23 rebounds para tulungan ang Pistons sa 98-83 panalo laban sa Milwaukee Bucks.
Nagdagdag si Kentavious Caldwell-Pope ng 21 points para sa Detroit, kumamada ng 7-0 atake sa huling minuto ng third quarter para ilista ang 10-point lead sa Milwaukee.
Ito ang ikalawang sunod na laro na kumolekta si Drummond ng 20 rebounds at kanyang ika-10 career game na may higit sa 20 points at 20 rebounds.
“I worked hard this summer on all aspects of my game,” wika ni Drummond. “The work is just showing.”
Umiskor naman si Tobias Harris ng 16 points para sa Pistons kasunod ang tig-11 nina Marcus Morris at Ish Smith.
Pinamunuan ni Giannis Antetokounmpo ang Bucks sa kanyang 17 markers.
Sa Oklahoma City, hindi kuntento si Russell Westbrook sa kanyang itinalang 51-point triple-double dalawang gabi na ang nakakalipas.
Iniba niya ang kanyang laro.
Itinala ni Westbrook ang kanyang ikalawang sunod na triple-double mula sa 33 points, 16 assists at 12 rebounds para pangunahan ang Thunder sa 113-96 panalo laban sa Los Angeles Lakers.
Nagsalpak si Westbrook ng career-high na 44 shots laban sa Phoenix Suns noong Biyernes kung saan nainis siya sa kanyang sarili.
Kontra naman sa Lakers ay naglista siya ng 11-of-21 field goals.
“I thought we did a good job of running the offense, letting it work for us,” wika ni Westbrook. “Getting better shots, easy shots, and it worked out for us.”
Si Westbrook ang ikaapat na player sa NBA history na naglista ng dalawang triple-double sa unang tatlong laro sa season matapos sina Magic Johnson, Jerry Lucas at Oscar Robertson.
Mayroon siya ngayong mga averages 38.7 points, 12.3 rebounds at 11.7 assists.
“He had a masterful game tonight - the way he was getting everyone involved, shooting when the shots were there and playmaking for teammates,” sabi ni Lakers coach Luke Walton. “When we were aggressive on him, he showed today why he’s one of the top point guards in the world.”
Sa Phoenix, kumamada si Kevin Durant ng 37 points para banderahan ang 106-100 panalo ng Golden State Warriors laban sa Suns.
Nagdagdag naman si Stephen Curry ng 28 points para sa Warriors.
Nakalayo lamang ang Golden State nang isalpak ni Curry ang dalawa niyang free throws sa hu-ling 12.9 segundo ng laro.
Ganap na sinelyuhan ni Durant ang panalo ng Warriors mula sa kanyang dalawang free throws.
Naglista si T.J. Warren ng 26 points, habang may 21 si Eric Bledsoe para sa Suns.
Sa Houston, isinalpak ni James Harden ang kanyang free throw sa natitirang 0.1 segundo sa laro para itakas ang Rockets laban sa Dallas Mave-ricks, 93-92.
Tumapos si Harden na 28 points at 7 assists, habang nag-ambag sina Eric Gordon at Ryan Anderson ng tig-14 markers para sa Rockets.