Win No. 44 tinuhog ng Lady Bulldogs

MANILA, Philippines – Muling nagposte ng malalaking numero si Jack Daniel Animam para pangunahan ang  reigning two-time champion National University sa 93-77 pagdurog sa De La Salle, sa pagpapatuloy kahapon ng UAAP Season 79 womens basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Dalawang laro na lamang ang kailangang ipanalo ng Lady Bulldogs upang diretsong umusad sa Finals.

Nagsalansan si Animam ng 25 puntos, 22 rebounds at 4 na blocks upang maiangat ang Lady Bulldogs sa 12-0, panalo-talo.     

Sa  iba pang laban, ganap na pinatalsik ng University of Santo Tomas ang last season’s runner-up Ateneo, 59-42 upang panatilihing buhay ang  tsansa nilang makamit ang huling upuan sa semifinals.

Nakakatiyak  na ang  NU, pinalawig ang kanilang rekord na winning run sa 44 games, ng twice-to-beat bonus kung magkakaroon ng Final Four round.

Bagama’t nabigo at bumaba  sa barahang 8-3, ma-lakas pa rin ang laban ng  Lady Archers sa no.2 spot na may kaakibat ding twice-to-beat incentive.

Maliban kay Animam, nagtapos ding may double- double para sa Lady Bulldogs sina Gemma Miranda (23 puntos, 13 rebounds) at Afril Bernardino (21 puntos, 12 boards).

Nanguna  si Camille Claro para sa  Lady Archers sa kanyang iniskor na 21 puntos, 5 rebounds at 4 assists.

Nagtapos namang may 19 puntos, 5 rebounds, 3 steals at 2 assists si Shanda Anies para sa Tigresses.

Dahil sa panalo, tumaas ang UST sa 5-7, panalo-talo, kasunod ng pumapang-apart na Adamson na may 5-6, panalo-talo. Ganap namang namaalam sa kontensiyon ang Lady Eagles matapos bumagsak sa barahang 4-9, panalo- talo. FML

.

Show comments