Green pahinga ng 3-weeks

Danny Green

SAN ANTONIO – Mawawala si San Antonio Spurs guard Danny Green ng hanggang tatlong linggo matapos niyang mapuwersa ang kanyang quadriceps sa kaliwang hita.

Nauna nang nagtamo si Green ng injury sa training camp at lumala ito noong Martes sa taunang intra-squad scrimmage ng koponan.

Nag-average si Green ng 3.5 points sa apat na preseason games at may 20 percent mula sa 3-point range.

Ang eight-year veteran ay nag-average ng 7.2 points at 3.8 rebounds noong nakaraang season habang may 33 percent sa triple area, ang kanyang lowest percentage sa anim na seasons sa Spurs.

Ginawang starter ng Spurs ang 6-foot-9 na si Kyle Anderson  kapalit ni Green noong Biyernes ng gabi sa Houston sa kanilang final preseason game.

Show comments