MANILA, Philippines - Hindi na kaduda-dudang mananatili si J.R. Smith sa Cleveland Cavaliers para sa 2016-17 season ngunit matagal bago nakapirma ang unrestricted free agent ng kontrata kung hindi pa nagkaroon ng issue sa NBA defending champions.
Sigurado nang magsusuot si Smith ng Cavs uniform na tatanggap ng title ring sa Quicken Loans Arena sa October 25.
Nagkasundo sina Smith at ang Cavaliers sa four-year, $57-million deal para manatili sa Cleveland. Si Marc Stein ng ESPN ang unang nag-ulat nito sa Twitter pati na ang deal na nagkakahalaga ng $45 million para sa tatlong taon. Nilinaw ni Jon Krawcynski ng Associated Press na ang $57 million figure ay makukuha ni Smith kung lalaro siya para sa Cavs ng apat na seasons.
Bagama’t sigurado namang babalik si Smith sa Cleveland, inabot pa ng hanggang sa mga unang linggo ng free agency ang negosasyon noong July dahil hindi sila magkasundo.
Ayon kay Stein, naayos lang ang deal noong Biyernes dahil may isang prangkisa ang pumuwersa kay Smith na pumirma.
Tweet ni Stein, “ESPN sources say a hard push from Sixers GM Bryan Colangelo for J.R. Smith helped sparked Friday’s talks with the Cavs to get a deal done.”