^

PM Sports

Yap sa RoS; Lee sa Star; Quiñahan sa GlobalPort

Pang-masa
Yap sa RoS; Lee sa Star; Quiñahan sa GlobalPort
(Mula kaliwa) James Yap, Paul Lee, JR Quiñahan

MANILA, Philippines - Gumawa ng dalawang malalaking trade ang Rain or Shine para makuha sina James Yap mula sa Star Hotshots at Beau Belga mula sa Globalport.

Minsan nang itinanggi ng Star na pakakawalan nila si two-time PBA Most Valuable Player James Yap ngunit kahapon ay ibinigay ng Hotshots si Yap sa Rain or Shine Elasto Painters bilang kapalit ni combo guard Paul Lee na inayawan ang alok na three-year contract ng huli.

Ang naturang Yap-Lee trade ay naplantsa nina Rain or Shine governor Mert Mondragon at Star team manager Alvin Patrimonio.

Ang Cebuano superstar ay ikinunsiderang franchise player ng Star.

Nagwakas na rin ang ‘Extra Rice’ tandem nina JR Quiñahan at Beau Belga.

Nang hindi pumayag si Quiñahan sa alok na one-year contract ng Elasto Painters ay dinala ng koponan ang 32-an-yos na Cebuano slotman sa Globalport bilang kapalit ng  veteran na si Jay Washington.

Nagkaroon ng bulung-bulungan sa paghahanap ng Hotshots ng trade deal para sa 6-foot-3 na si Yap matapos mabigong makapasok sa Finals ng 2016 Philippine Cup, Commissioner’s Cup at Governor’s Cup sa ilalim ng paggiya ni rookie coach Jason Webb.

Kandidato si Quiña-han para sa Most Improved Player matapos magposte ng mga average na 11.7 points, 4.9 rebounds at 1.9 assists per game ngayong season.

Kamakailan ay lumipat si head coach Yeng Guiao sa NLEX Road Warriors matapos ang kanyang anim na taon na pamamahala sa Elasto Painters na hahawakan ni Caloy Garcia. (RCadayona)

vuukle comment

PBA TRADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with