^

PM Sports

2016 AVC Asian Women’s Club Championships: Foton Pilipinas mahihirapan sa Japan

Pang-masa

BIÑAN CITY, Philippines – Ipinakita ng NEC Red Rockets ng Japan kung gaano kahirap ang hamong sasagupain ng Foton Pilipinas ngayon.

Nagpamalas ng impresibong performance ang NEC upang igupo ang mas malalaking Altay VC ng Kazakhstan, 25-16, 25-17, 25-19 kahapon sa 2016 AVC Asian Women’s Club Championship sa Alonte Sports Arena dito.

Ang inaasahang dikdikang labanan ay dinomina ng mga Japanese na tumapos ng laro sa loob lamang ng 74 minutes para tapusin ang first round bilang top team ng Group C sa torneong ito na inorganisa ng Philippine Superliga, Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. at ng lungsod ng Biñan sa pamumuno ni Congresswoman Leni Alonte.

Tumapos si Sarina Koga ng 12 kills at isang ace para sa 14 points habang si Akari Oumi ay may 13 hits para sa Japan na haharapin ng Foton Pilipinas ngayon sa classification phase sa alas-1:30 ng hapon.

Sinabi ni NEC Red Rockets coach Akinori Yamada na pamilyar na siya sa ilang players ng Tornadoes, lalo na kay 6-foot-5 middle blocker Jaja Santiago at American import Ariel Usher.

 “I know some of the players like Santiago and Usher are very good. Their offense is very good. It’s going to be difficult but I know where going to win,” sabi ni Tamada sa pamamagitan ng interpreter. “Well, you know, we maybe small players, but after this win over Kazakhstan, we are now more confident. It doesn’t depend on the height. We are confident.”

Inamin naman ni Foton Pilipinas coach Fabio Menta na ang laban sa NEC Red Rockets ay isang malaking hamon.

“We have to play above our level to defeat them,” aniya na nagsabi ring ang kanilang laban kontra sa Kazakhstan bukas ay ang “game of our life.” “Beating Kazakhstan means having an easier route to the semis, but also finally been able to be a consistent and efficient team in all our players without relying on individual super performance.”

Malaking dagok sa Foton Pilipinas ang pagkawala ni import Lindsay Stalzer, di nakalaro sa kanilang laban kontra sa Thongtin Lien Viet Post Bank ng Vietnam dahil sa back spasms.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with