MANILA, Philippines – Sumandal ang Ate-neo De Manila Univer-sity kina Marck Espejo at rookie sensation Mark Antony Koyfman pa-ra gibain ang kaniang karibal na De La Salle University, 25-18, 17-25, 25-23, 26-28, 15-7, at makalapit sa pag-angkin sa unang finals berth ng Spikers’ Turf Season Two-Collegiate Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Humataw si Espejo, ang reigning league Most Valuable Player, ng match-best na 25 hits kasama ang 20 sa kills at apat sa service aces.
Nagtala naman ang 6-foot-8 na Russian-American na si Koyfman ng 20 points para sa 1-0 bentahe ng Blue Eagles sa kanilang best-of-three semifinals series ng Green Archers.
Nakalapit din ang National University sa finals seat nang talunin ang University of Sto. Tomas, 25-21, 25-21, 25-23, sa Game One.
Ang Game Two ay nakatakda bukas at kung magkakaroon ng Game Three ay lalaruin ito sa Miyerkules.
Matapos kunin ng Ateneo, ang back-to-back UAAP champions, ang first set ay kinuha naman ng La Salle ang second set.