MANILA, Philippines - Magiging napakala-king tulong sa pagpapatupad ng binabalangkas na Master Plan for Philippine Sports ng Philippine Sports Commission ang makukuhang P10 bil-yon mula sa Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang naturang pondo ang kumakatawan sa hindi nai-remit ng PAGCOR simula noong 1993 sa panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
“So you can just ima-gine if we get a positive decision from the Supreme Court ay magkakaroon ang PSC ng P10 billion right away,” wika kahapon ni dating Pampanga 1st District Rep. Yeng Guiao sa top-level consultative meeting.
Si Guiao ang nagsumite ng petisyon sa Supreme Court para utusan ang PAGCOR na i-remit ang five percent ng kanilang gross income sa PSC.
Nakasaad sa probis-yon ng Sec. 26 ng R. A. 6847 o ang PSC Law of 1990 na dapat mag-remit ang PAGCOR ng 5 percent ng kanilang gross income at 30 percent naman sa PCSO mula sa anim na sweepstakes o lottery draws sa PSC bawat taon.
Ayon kay Guiao, makikita sa record na simula noong 1993 ay nagbibigay lamang ang PAGCOR ng 2.1375 percent ng kanilang gross income sa PSC.
Binigyan na ng Supreme Court ang PAGCOR na magpaliwanag tungkol sa nasabing isyu sa loob ng 15 araw.
“Maybe within the year or sa first half of 2017 we can get a decision from the Supreme Court,” sabi ng Rain or Shine head coach.
Malaki sanang tulong para sa pagsasanay at partisipasyon ng mga national athletes sa regional at international events kung naibigay sa PSC nang lubusan ang five percent remittance mula sa PAGCOR.
Subalit sa halip na limang porsiyento ng kanilang gross income ay 2.3 percent lamang ang ibinibigay ng PAGCOR sa PSC simula noong 1993.
Ang nasabing pondo ay inaasahang makakatulong sa pinaplanong Master Plan for Philippine Sports ng PSC sa ilalim ni chairman William ‘Butch’ Ramirez.. (RCadayona)