SMART/MVP Best of the Best sisipa sa Linggo

MANILA, Philippines - Magpapakitang-gilas ang mga gold meda-lists sa national at major taekwondo events sa buong bansa sa pagsipa ng 2016 SMART/MVP Sports Foundation Best of the Best championships sa Linggo sa SM Mall of Asia.

Si SMART Communication at PLDT chairman Manuel V. Pangi-linan ang nasa likod ng premier event ng PTA. 

Ang businessman/sportsman ang kinikila-lang patron ng Philippine taekwondo at sa mga top at bagitong jins sa loob ng isang dekada.

Ang PLDT, Meralco at TV5 ang mga sponsors ng day-long compe-tition.

 Ang mga kampeon lamang sa national regional tournaments, ka-sama ang ARMM, CAR, CARAGA at NCR kasama ang UAAP, NCAA, AFP-PNP Olympics, ang lahat ng PTA (Phi-lippine Taekwondo Association) competitions sa Metro Manila at blackbelt organizations kagaya ng Taekwondo Blackbelt Brotherhood, Taekwondo Blackbelt Sorority at Philippine Taekwondo Contingent ang maaaring lumahok, ayon kay tournament director Jesus Morales III.

Ang kompetisyon ay limitado lamang sa apat na dibisyon.

Ito ay ang kyorugi (free sparring – senior at junior (male and female) – at free style poomsae (FSP).

Hangad ng FSP na ipakita ang mataas na antas ng taekwondo foot techniques kagaya ng jumping yopchagi, 720” spinning kick at pagsipa na may acrobatic actions. 

Itatampok din ang pagsasama-sama ng mga taekwondo techniques kasabay ng music at choreography.

Gagamitin sa torneo ang PSS (Protective Scoring System), ESS (Electronic Scoring System), electronic armors at socks kasama ang IVR (Instant Video Replay) para mawala ang human error at matiyak ang tuwid, pantay na pag-iskor at spectator-friendly matches.

Show comments