Marestella Torres naghihintay na lang ng kumpirmasyon mula sa Rio

Marestella Torres-Sunang

MANILA, Philippines – Ang pormal na kumpirmasyon na lamang bilang qualifier ang hinihintay ni long jumper Marestella Torres-Sunang para tuluyan nang maibulsa ang tiket sa 2016 Olympic Games.

Nilampasan ng 35-anyos na si Torres-Sunang ang Olympic standard sa nilahukan niyang Kazakhstan Open athletics championship.

Ayon sa report, lumundag si Torres-Sunang ng bagong national record na 6.72 meters sa women’s long jump para lampasan ang 6.70-meter Olympic standard.

Sakaling kumpirmahin bilang qualifier ay makakasama si Torres-Sunang nina Fil-Am sprinter Eric Cray at ma-rathoner Mary Joy Tabal bilang mga kinatawan ng bansa sa athletics event ng 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil sa Agosto.

Ang iba pang nakakuha na ng Olympic berth ay sina taekwodo jin Kirstie Elaine Alora, table tennis entry Ian Lariba, boxers Rogen Ladon at Charly Suarez at weightlifters Hidilyn Diaz at Nestor Colonia.

Kung sakali ay lalahok si Torres-Sunang, tubong San Jose, Negros Oriental, para sa kanyang pangatlong sunod na Olympics.

Bago makuha ni Tabal ang kanyang Olympic spot ay igagawad sana kay Torres-Sunang ang isang universality place na ibinibigay ng International Olympic Committee sa isang bansa na may isa lamang qualified athlete sa isang event.

Nanalo si Torres-Su-nang ng apat na gold medal sa Southeast Asian Games noong 2005, 2007, 2009, 2011 at 2015 at isa sa Asian Championship noong 2009.

Show comments