MANILA, Philippines – May isang Pinoy nang mapapanood sa Singapore football league.
Kinumpleto ni Philippine Azkals mainstay at Global FC star Mark Hartmann ang kanyang paglipat sa Geylang International FC ng Singapore para maging kauna-unahang Filipino na maglalaro sa S-League.
“Geylang International FC is pleased to announce the signing of Mark Hartmann from Global FC today. Mark will be the first Filipino to play in the S-League. He will be donning jersey No. 16 for Geylang,” pahayag ng Eagles sa kanilang Facebook page noong Biyernes ng gabi.
Pinasalamatan din ng S-League ang Global FC “for their kind assistance in the true spirt of ASEAN Cooperation to ensure the successful completion of this transfer.”
Ang Fil-British na si Hartmann ang ang una ring Southeast Asian import sa S-League matapos si Thai midfielder Theerawekin Seehawong na kumampanya para sa Woodlands Wellington noong 2013.
Dadalhin ni Hartmann, nagsalpak ng 44 goals sa 57 matches para sa Global at may pitong goals sa 18 appearances niya para sa Azkals, ang pagiging out-and-out striker sa Geylang.
Nagtala lamang ang fourth-running na Eagles ng 19 goals sa 13 games ngayong S-League season at ang isang katulad ni Hartmann ang kanilang kailangan.
“It’s no secret that we are lacking a proper target man who can hold the ball up and score goals,” wika ni Geylang coach Hasrin Jailani sa Singapore-based na ESPN FC noong nakaraang linggo habang hindi pa nila nahuhugot si Hartmann.
“From what I see in training so far, Mark is a typical no. 9 striker who knows where the goal is. He has a great physique to lead the line,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Hasrin na binalak sana nilang isailalim si Hartmann sa isang tryout noong Disyembre ngunit nagkaroon ang Azkals striker ng isang ACL injury.
Ayon kay Hartmann, maganda na ang kondisyon ng kanyang tuhod “and now expects to be good to go after one month.”
Sinabi naman ng coach ni Hartmann sa Global na si Leigh Manson, ang paglipat ng Fil-British sa Geylang ay “good for Philippine football.”