LeBron vs Curry, Cavs vs Warriors
OAKLAND, California – Si LeBron laban kay Steph. si King James kontra sa Baby-faced Assassin. Ang Nike katapat ang UnderArmour.
Kahit saan mo tingnan, ito ay isa na namang dream matchup para sa liga sa NBA Finals.
Ang ikalawang sunod na championship showdown nina LeBron James at ng Cleveland Cavaliers at Stephen Curry at sa Golden State Warriors ang maglalagay sa pinakamaningning na bituin sa pinakamalaking entablado.
Ito rin ang maaaring simula ng rivalry ng matagal nang ‘face of the league’ at ng shooting supernova.
“It’s really annoying for me. That’s not what I’m playing for, to be the face of the NBA or to be this or that or to take LeBron’s throne or whatever,” sabi ni Curry. “You know, I’m trying to chase rings, and that’s what I’m all about. So that’s where the conversation stops for me.”
Nakamit ni Curry ang una niyang NBA title nang talunin ng Warriors si James at ang Cavaliers sa nakaraang NBA Finals.
Sa paghahari ng Warriors sa nakaraang season, iprinoklama naman ni James ang kanyang sarili bilang “the best player on the planet” sa kasagsagan ng finals.
Matapos makamit ni Curry ang kanyang ikala-wang sunod na MVP award ay may komento naman ang four-time winner na si James.
“When you talk about most ‘valuable’ then you can have a different conversation, so, take nothing away from him, he’s definitely deserving of that award,” ani James.
- Latest