MANILA, Philippines – Sina point guards Terrence Romeo at Stanley Pringle ang pa-tuloy na magiging sandigan ng kampanya ng Globalport sa Philippine Basketball Association.
Kaya naman walang balak si team owner at Congressman Mikee Romero ng 1Pacman partylist na pakawalan ang dalawa niyang kamador sa Batang Pier.
“Pringle ito. Never namin itong ite-trade. Never,” wika kahapon ni Romero sa 6-foot-1 na si Pringle, ang kanilang No.1 overall pick noong 2014 PBA Draft para pabulaanan ang isang ulat na plano nilang i-trade ang Fil-Am guard.
Sinasabing dadalhin ng Globalport si Pringle sa Barangay Ginebra sa pamamagitan ng trade para makatulong kina veteran guards Jayjay Helterbrand, LA Tenorio at Mark Caguioa.
“Si Terrence at si Pringle, never namin ite-trade,” sabi ni Romero, wala pa ring napipi-ling bagong head coach ng Globalport.
Para sa darating na 2016 PBA Governor’s Cup, sinabi nina Romero at team manager Erick Arejola na may listahan na sila para sa kukunin nilang import.
“We are still discussing kasama ang mga coaches kung sino ang kukunin naming import,” wika ni Arejola.
Samantala, hinugot ng Blackwater si da-ting Meralco reinforcement Eric Dawson para itambal kay Asian import Imad Qahwash ng Pa-lestine para makatuwang sina Carlo Lastimosa, Mike Cortez, PJ Erram at Roi Sumang.
Naglaro ang 31-an-yos na si Dawson para sa Bolts noong 2013 PBA Commissioner’s Cup kung saan sila nakapasok sa quarterfinals bago matalo sa Star Hotshots sa kanilang best-of-three series.
Nagtala ang tubong San Antonio, Texas ng mga averages na 30 points, 16 rebounds, 2.82 assists at 3.12 steals.