MANILA, Philippines – Matapos si Manny V. Pangilinan, si Meralco senior vice president Al Panlilio ang magpapatakbo sa Samahang Basketbol ng Pilipinas na inihahanda pa ang long-term plans, kasama na ang Gilas cadet program sa ha-ngaring makalaro sa 2019 World Championship at the 2020 Olympics.
“That’s MVP’s wish to have Al as his successor. If the SBP presidency goes to another person, of course they will not get the kind of support MVP is giving to the SBP now,” wika ng isang reliable source.
Opisyal na papalitan ni Panlilio si Pangilinan sa SBP top post matapos ang FIBA Olympic Qua-lifying Tournament sa MOA Arena sa July 5-10.
Si Panlilio ang kasalukuyang SBP vice president bukod pa sa pagiging chief executive officer ng organizing committee para sa FIBA OQT.
Ipinagpatuloy ni Pa-ngilinanan ang kanyang pagsisilbi matapos ipagpaliban ng SBP board ang eleksyon noong Enero para hindi magambala ang pamamahala ng bansa para sa Olympic qualifier.
Sa susunod na board meeting ay 13 bagong opis-yales ang uupo sa board kasama ang 12 holdovers kabilang sina PBA representatives Robert Non at Chito Narvasa at Erick Arejola ng PBA D-League.
Magmumula sa bagong board of trustees ang iluluklok na SBP president.
Sa ilalim ng SBP by-laws, si Pangilinan ay hindi na maaaring tumakbo para sa naturang posisyon.
“Needless to say that’s contingent upon the election of Al Panlilio,” sabi ng source.