^

PM Sports

Gabuco bagsak sa kalabang Tsino

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tuluyan nang humulagpos ang tsansa ni light flyweight Josie Gabuco para sa gold medal ng AIBA 2016 Women’s World Boxing Championships sa Astana, Kazakhstan.

Yumukod ang No. 12 ranked na si Gabuco kay No. 9 seed Wang Yuyan ng China sa quarterfinal round ng torneong nilahukan ng mahigit sa 200 boxers mula sa 50 bansa.

Binigyan nina judges Ana Martinez ng Dominican Republic, Abderahim Ammour ng Morocco at Nelka Thampu ng Sri Lanka ng magkakatulad na 39-37 iskor ang Chinese fighter.

Bago matalo kay Wang ay nanalo muna si Gabuco, ang 2015 Southeast Asian Games gold me-dalist, laban kay Volha Lushchyk ng Belarus, 3-0, para umabante sa quarterfinals.

Nauna nang nasibak sa torneo ang 2014 AIBA World Women’s Boxing Championship silver medalist na si Nesthy Petecio (flyweight) at 2015 SEA Games silver medalist na si Irish Magno (bantamweight).

Ang kabiguan ni Petecio ang tuluyan nang nagtanggal sa kanyang pag-asang makapaglaro sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil sa Agosto.

Ang event naman ni Gabuco ay hindi kasama sa tatlong weight divisions sa women’s boxing tournament sa Rio Olympics.

vuukle comment

ORTIGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with