Mga 3 year old kabayo magkakasubukan
MANILA, Philippines – Maraming three year old horses ang tatakbo ngayong gabi sa karerahan ng Saddle & Leisure Club na nasa Santa Ana Park sa Naic Cavite.
Ang mga kabayong ito ay tinitingnan pa ng mga horseowners kung puwede pang maihabol sa prestihiyosong Triple Crown stakes races o kung hindi man ay sa Hopeful Stakes.
Sa unang karera ay makikilatisan ang Gensan Special na sasakyan ni apprentice M.E. De Ocampo, Dance Lively na dadalhin ni R.C. Tanagon, Quarter Sawn na gagabayan ni L.C. Lunar at Talon na papatungan ni apprentice D.L. Camañero Jr.
Lahat naman ng tatakbo sa isang handicap-2/3 mixed group ay puro mga tatlong taong gulang na kabayo.
Ito ay ang Mahayana Budur, Bowties And Charms, Contessa, Yes Kitty, Aquila Legis, Blue Orchid, Rockstar Show at Super Ecstatic.
Napili ni J.B. Guce ang Mahayana Budur na tila angat at ang pinakamahigpit na kalaban ay ang Yes Kitty naman na nasa kamay ni Y.L. Bautista.
Mayroon rin namang naipakitang gilas ang Blue Orchid na sasakyan uli ni Conrad P. Henson at ang Rockstar Show na kagagaling lang sa panalo sa isang matulis na pagpaparemate.
Sa pinakahuling karera ang purong maiden group ng mga three year old horses na kinabibila-ngan ng Deo, papatungan ni apprentice R.A. Base, Peypaluc na sasakyan ni Jonathan B. Hernandez, Tito Gene na rerendahan ni Ronald C. Balconido, Security Chief na igigiya ni W.C. Utalla, Clean Time na dadalhin ni Jessie B. Guce, Good Faith na si Norberto K. Calingasan ang natokahan at Fabulous na si apprentice R.D. Raquel Jr. ang susubok.
Ang ilan sa mga three year old na nakapag-trangko na at nanalo ay ang Pamilican Island na naipanalo ni Antonio B. Alcasid Jr., noong Mayo 17.
Ang Batang Annala na super outstanding favorite pa mandin ay naipanalo rin ni Mark A. Alvarez sa isang maiden race noong Mayo 17. May kalayuan ang distansiya niya sa nasegundong si Creative at Jacobo’s Magic.
Nanalo rin ang Trust My Luck na naiparemate ni Conrado P. Henson noong Mayo 18 at kabilang sa kanyang mga tinalo ay sina Wishful Splendor at Hard Work Classic.
Naka-abang rin at naghihintay ng pagkakataon ang isa pa sa mga three year old na Spratly Island na nagbida sa kanyang grupo noong Mayo 18 sakay si Val Dilema.
- Latest