MANILA, Philippines – Sa ipinapakita ng kanyang mga kabayo ay malaki ang tsansa ni businessman-sportsman Narciso Morales na muling makapagposte ng landslide victory sa palakihan ng premyo sa hanay ng mga horse owners.
Naglista ng mga panalo sa regular races, kumuha si Morales ng 73 wins para sa kanyang premyong P11,377,898 mula Enero hanggang Abril.
Sa ulat ng Philippine Racing Commission, humakot ang land at air transportation businessman ng 90 second, 80 third at 74 fourth place finishes kasunod si Patrick Uy na may P3,706,130 mula sa 30 wins.
“Another good month for the stable. We’ll try to sustain it (good showing). I guess our team is doing its homework well,” sabi ni Morales, nagkampeon noong nakaraang taon sa kanyang 200-plus wins.
Samantala, namuno naman si veteran Jesse Guce sa jockeys’ division.
Nanatili sa unahan si Guce sa paramihan ng kinita sa kanyang nakamit na premyong P1,553,970 kumpara sa P1,173,342 ni Oneal Cortez.
Nasa ikatlong puwesto naman si Mark Alvarez (P1,122,684).
Patuloy namang nangunguna ang multi-titled na Low Profile sa hanay ng mga kabayo sa premyong P1,610,529, kasama rito ang P800,000 nang magkampeon sa Commissioner’s Cup noong Enero.
Sumegunda ang Dewey Boulevard (P1,610,529) matapos ungusan ang Space Needle nang manalo sa Gintong Lahi Graduate Stakes Race na may premyong P600,000.
Wala namang nabago sa trainers’ division sa pamumuno ni veteran Ruben Tupas na may P1,220,548 mula sa 74 first, 67 second, 55 third at 58 fourth places finishes kasunod si Dave dela Cruz.