CLEVELAND – Limang sunod na finals appearances, apat na MVP awards at dalawang NBA championship rings.
Ito ang ibabandera ni LeBron James ng Cavaliers sa pagharap kay Kyle Lowry ng Toronto Raptors sa kanilang Eastern Conference finals series na magsisimula na.
“It’s not an advantage,” sabi ni James. “They’re here for a reason. You got to go out and play. They also played two seven-game series and we didn’t. So they can have the upper edge on that. So, there’s no advantage to either team. Both teams are 0-0 and it’s the first to four.”
Winalis ng Cavs ang kanilang mga serye ng Detroit Pistons at Atlanta Hawks sa first at second round na nagtampok sa mga averages na 23.5 points, 8.8 rebounds at 7.3 assists ni James.
Noong 2007 ay ginawa ni James ang kanyang unang Eastern Conference finals appearance at dinala ang Cavaliers sa panalo laban sa Detroit Pistons patungo sa NBA Finals sa unang pagkakataon.
Samantala, ngayon naman ito mararanasan ni Lowry, isa sa All-Star guards ng Raptors, tinakasan ang Miami Heat sa Game 7 sa second round.
“LeBron’s probably one of the best players in the league - besides Steph (Curry),” sabi ni Lowry.
Maglalaro ang Raptors na wala si center Jonas Valanciunas sa Game 1 at posibleng sa kabuuan ng serye dahil sa sprained right ankle na kanyang nalasap sa Game 3 ng serye nila ng Heat.