D-League Foundation Cup didribol sa Hunyo 2

MANILA, Philippines – Magbabalik-aksyon ang 2016 PBA D-League sa Hunyo 2 para sa pag-si­­simula ng Foundation Cup.

Pitong koponan ang maglalaban-laban para sa kampeonato na kasaluku­yang hawak ng CafeFrance Bakers.

Matatandaang nabigo ang Bakers sa kamay ng Phoenix-FEU Accelerators sa isang five-game series sa katatapos na As­pi­rant’s Cup na uma­bot sa Game Five.

Pagkakataon naman nga­yon ng Accelerators na makuha ang back-to-back championships.

Hindi magiging ma­da­li ang pagdedepensa ng Bakers at ang pagsubok ng ikalawang sunod na kampeonato para sa Ac­ce­lerators dahil nakaharang sa kanilang daraanan ang Racal Tile Masters, Tanduay Rhum Makers, AMA Online Education at Mindanao Aguilas na muling sasali sa Foundation Cup.

Bukod sa mga nabanggit na koponan, kalahok rin ang bagong team na Blustar Detergent Dra­gons na pamumunuan ni Asean Basketball League (ABL) champion coach Ariel Vanguardia.

Kasama ni Vanguardia ang kanyang mga manla­laro mula Malaysia at ang mga Fil-foreigners na si­na Jason Brickman at Mat­thew Wright.

Gagamitin ng PBA D-League sa unang pagka­ka­taon ang double-round robin para sa eliminations kung saan aabante sa semis ang top 4 teams at magbabaon ng ‘twice-to-beat’ incentive ang No. 1 at No. 2 squad.

Sakaling magkaroon ng tabla sa standings ma­tapos ang eliminations, babasagin ito sa pamama­gitan ng quotient system.

Maghaharap naman sa isang best-of-three series ang mananalo sa semis se­ries.

Show comments