MANILA, Philippines – Nakipagtambal ang Universal Reality Combat Championship, ang unang mixed martial arts promotion sa Southeast Asia, sa television giant na ABS-CBN para maisaere ang mga laban sa free channel.
Pinormalisa nina URCC founder Alvin Aguilar at ABS-CBN head for integrated sports Dino Laurena ang kanilang partnership kung saan magiging official TV carrier ng URCC ang television network.
“We’re excited to having partnered with a leading television station like ABS-CBN and we hope this will be the start of something bigger not just for URCC but Philippine MMA as a whole,” sabi ni Aguilar.
Bilang official broadcast partner, dadalhin ng ABS-CBN Sports and Action at ng ABS-CBN Sports and Action HD Ch166 ang mga URCC events.
Sisimulan ito ng URCC 27: Rebellion sa Abril 23 sa Marriot Grand Ballroom sa Pasay City.
Apat na championship belts ang ilalatag sa URCC 27 ‘Rebellion’ sa Abril 23 sa Marriot Grand Ballroomin.
Ito ay babanderahan ng ikalawang pagdedepensa ni Deftac fighter Reydon ‘Red’ Romero sa kanyang featherweight title laban kay South Korean Do Gyum Lee.
Nauna nang tinalo ni Romero si Malaysian Jian Kai Chee noong Hulyo.
Samantala, tatangkain naman ni CJ de Tomas na maagaw ang flyweight crown mula sa nagtatanggol sa koronang si Japanese Hideo ‘Death from Tokyo’ Morikawa.