UP Maroons tinakasan ang UE

LARO BUKAS (McKinley Hill Stadium)

3 p.m. – UST vs Ateneo (Men)

8 p.m. – DLSU vs NU (Men)

 

MANILA, Philippines - Pinatibay ng University of the Philippines ang kanilang tsansa sa isang semifinals seat matapos ku­nin ang 1-0 panalo laban sa University of the East sa UAAP Season 78 men’s football tournament kahapon sa Moro Lorenzo Field.

Isinalpak ni Niño Muros ang nag-iisang goal ng laro sa pang-24 minuto na siyang nagpanalo sa Fighting Maroons laban sa Red Warriors.

Tumabla ang UP sa University of Santo Tomas sa magkatulad nilang 18 points.

“We started out flat. UE was so aggressive, that could be a factor,” sabi ni Fighting Maroons’ coach Anto Gonzales.

Nalasap ng Red Warriors ang kanilang pang-wa­long kabiguan para ma­natili sa ilalim ng team standings.

Show comments