^

PM Sports

Ateneo booters nakaungos sa Univ. of the East

Pang-masa

Laro Bukas (Mc Kinley Hill Stadium)

3 p.m. – UP vs DLSU (Men)

8 p.m. – FEU vs UST (Men)

 

MANILA, Philippines - Inungusan ng Ateneo De Manila University ang University of the East, 3-2, para makasosyo sa fourth place sa UAAP Season 78 men’s football tournament kahapon sa Moro Lorenzo Field.

Naisalpak ni Julian Roxas ang isang header mula sa free kick ni Mikko Mabanag sa 84th minute para tulungan ang Blue Eagles, ang 2015 runner-up na makuha ang unang panalo sa second round.

“Doon talaga kilala at binabantayan ang Ateneo, sa set pieces talaga. Doon kami may advantage,” sabi ni Ateneo coach JP Merida.

“Kahit mahigpit ang depensa nila sa set pieces, hindi naggi-give up ‘yung mga players,” dagdag pa nito.

Hindi nakapaglaro para sa Blue Eagles sina Luisito Clavano, Jeremiah Rocha at rookie Jarvey Gayoso dahil sa mga nakuhang yellow cards.

Ang panalo ang nagtabla sa Ateneo sa University of the Philippines sa kanilang tig-12 points, ngunit mas angat ang Diliman-based booters sa goals.

Nakakonekta ang Red Warriors ng goal sa first half mula kay Regil Galaura sa 41st minute.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with