Enforcers hiniya ang Beermen

MANILA, Philippines – Matapos ang Alaska ay ang San Miguel naman ang nakatikim ng una nilang pagkatalo sa mid-season conference.

Pinaulanan ng Mahindra Enforcers ng three-point shots ang Beermen para kunin ang 102-96 panalo sa 2016 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Alonte Sports Arena sa Bi­ñan, Laguna.

Kumamada si Aldrech Ramos ng 26 points tampok ang matinding 6-of-7 shooting sa 3-point range, habang nagsalpak si Niño ‘KG’ Canaleta ng tatlong sunod na tres sa fourth quarter para sa 2-1 record ng Mahindra.

“Very tough game for us coming from a loss. We just need that mental toughness in the end,” sa­bi ni coach Chito Victo­lero sa naunang kabigu­an ng kanyang Enforcers sa Blackwater Elite noong Pebrero 14. “My pla­yers stepped up especially KG Canaleta in the fourth quarter.”

Nagdagdag si point guard LA Revilla ng 19 markers, habang may tig-15 markers sina Cana­leta at import Augustus Gilchrist, humakot ng 13 rebounds.

Ito ang unang laro ng San Miguel matapos magkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup kung saan sila bumangon mula sa 0-3 pagkakabaon para talunin ang Alaska sa kanilang best-of-seven championship series.

Ang pang-lima at hu­ling tres ni Ramos sa na­ti­tirang 47 segundo sa se­­cond period ang nagbigay sa Enforcers ng 51-45 abante bago naagaw ng Beer­men ang 86-84 ben­ta­he sa fourth period

Ang tatlong sunod na tres ni Canaleta ang muling nag-angat sa Mahindra sa 93-86 sa 3:22 mi­nuto ng laro hanggang makadikit ang San Mi­guel sa 93-96 matapos ang 3-point play ni import Tyler Wilkerson.

Kumonekta si Ramos ng dalawang free throws na sinundan ng split ni Revilla para muling ilayo ang Enforcers sa 99-93 sa huling 1:14 minuto ng la­ro.

Umiskor si Wilkerson ng 29 points sa panig ng Beermen kasunod ang 17 ni Arwind Santos, 14 ni Marcio Lassiter at tig-8 nina back-to-back Most Valuable Player June Mar Fajardo, Ryan Araña at Chris Ross.

Samantala, ti­nalo na­man ng NLEX ang mi­namalas na Star, 106-99, pa­ra sa ka­nilang ika­la­wang pana­lo.

MAHINDRA 102 - Ramos 26, Revilla 19, Canaleta 15, Gilchrist 15, Dehesa 10, Guinto 9, Digregorio 4, Pinto 2, Yee 2, Webb 0, Jaime 0.

San Miguel 96 - Wilkerson 29, Santos 17, Lassiter 14, Araña 8, Fajardo 8, Ross 8, Heruela 5, Tubid 4, Espinas 3, Lutz 0, Reyes 0.

Quarterscores: 24-23; 51-45; 74-69; 102-96.

NLEX 106 - Thornton 35, Lanete 21, Taulava 14, J. Villanueva 12, Alas 10, Anthony 9, Enciso 3, Reyes 2, Borboran 0, Khobuntin 0, Wilson 0, E.Villanueva 0.

Star 99 - Bowles 30, Maliksi 21, Simon 21, Yap 10, Pingris 9, Barroca 6, Melton 2, Torres 0, Sangalang 0, Rea­vis 0, Pascual 0.

Quarterscores: 22-26; 50-55; 77-82; 106-99.

Show comments