Maiksing training sa Gensan; mahabang training sa LA-- Roach

MANILA, Philippines – Kung si chief trainer Freddie Roach ang masusunod ay mas gusto niyang magsanay si Manny Pacquiao sa maikling panahon sa Pilipinas bilang paghahanda sa laban kay Timothy Bradley.

Sinabi ni Roach kay Steve Kim ng Boxingscene.com na magtutungo siya sa Manila sa Feb. 12 para simulan ang pagsasanay ni Pacquiao sa Feb. 14 sa General Santos City.

Mas gusto ni Roach na magsanay si Pacquiao sa kanyang Wild Card Gym sa Los Angeles para makaiwas sa anumang istorbo sa Pilipinas.

“We’re trying to make it (Philippine camp) as short as possible but right now, I know Manny’s still campaigning to be the senator a little bit. But I’m going to try to bring him back here (US) as soon as possible,” wika ni Roach.

Nais din ni Roach na gawin ang sparring sessions ni Pacquiao sa Los Angeles, ngunit handa siyang dalhin ang mga sparring partners sa Pilipinas kung kakailanganin.

Ang mga pangalan nina Frankie Gomez at Jose Ramirez ang mga lumitaw na posibleng ma-ging sparmates ni Pacquiao, pipiliting agawin kay Bradley ang suot nitong WBO welterweight title sa April 9 sa Las Vegas (April 10 Manila time).

Sina Gomez at Ramirez ay parehong undefeated super lightweights mula sa California at nagdadala ng records na 19-0 (13 KOs) and 16-0 (12 KOs), ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang sinimulan ni Pacquiao, isa sa mga top senatorial bets, ang kanyang pagpapakondisyon sa General Santos City.

Nais din ni Roach na gawin ang sparring sessions ni Pacquiao sa Los Angeles, ngunit handa siyang dalhin ang mga sparring partners sa Pilipinas kung kakailanganin.

“It’s the usual thing Manny likes to do. We usually spend time in the Philippines for two or three weeks and then come the last four weeks here in LA,” wika ni Roach.

Show comments