8-gold target ng PSL tankers
TOKYO-- Hindi bababa sa walong ginto ang inaasahang malangoy ng Pinoy tankers na isasabak ng Philippine Swimming League (PSL) sa prestihiyosong 2016 Tokyo Winter Swimming Championship na pormal na magsisimula bukas sa St. Mary’s International School Swimming pool dito.
Ayon kay PSL president Susan Papa, kumpiyansa siya na makakasabay ang mga swimmers sa mga bigating kalaban mula sa ibang bansa dahil na rin sa ginawa nilang matinding pagsasanay sa Manila.
Kabilang sa mga tinukoy ni Papa na posibleng magwagi ng ginto sa kani-kanilang laban ay sina Sean Terence Zamora, Marc Bryan Dula at ang nag-iisang babaeng lahok na si Micaela Jasmine Mojdeh.
Lalangoy sina Mojdeh, mag-aaral mula sa Immaculate Heart of Mary College-Parañaque sa girls’ 9-under class habang si Dula, mula sa Weisenheimer Acedemy ay sasabak sa boys’ 8-under category at ang pambato naman ng PSL sa boys 15-over division si Zamora ng University of Santo Tomas.
Aasahan ring humakot ng ginto sa kani-kanilang division sina Joey Del Rosario ng La Salle-Zobel (boy’s 8); Jux Keaton Solita, Martin Jacob Pupos ng National University, University of the Philippines tankers Drew Benett Magbag at Lans Rawlin Donato sa boys’ 15-over.
- Latest