^

PM Sports

Adamson nakatakas sa UST

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nalampasan ng Adamson University ang hinataw na 30-puntos ni  Cherry Rondina  upang igupo ang University of Santo Tomas, 25-22, 25-21, 20-25, 28-30, 16-14 sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament kagabi sa Philsports Arena.

Na-block ni Mylene Paat ang tira ni Rondina upang basagin ang pagtatabla ng score sa 14-14 bago tuluyang nakopo ng Lady Falcons ang buwenamanong panalo sa season sa pamamagitan ng service ace ni Jema Galanza.

“Yung breaks sa bandang huli, napunta sa amin,” sabi ni Adamson coach Sherwin Meneses.

Sa men’s division, napanatili ng De La Salle ang kanilang composure sa huling dalawang set upang igupo ang University of the  East, 25-18, 28-26, 26-24 sa larong nakita si Red Warrior middle hitter Samuel Lelic na lumasap ng kahindik-hindik na injury sa kaliwang paa sa kaagahan ng ikalawang set.

Nagposte si Galanza ng career-high 28 points, kabilang ang tatlong aces at kumulekta ng 10 digs habang si Paat ay may tatlong blocks para sa 19-points para sa Lady Falcons.

Ang produksiyon ni Rondina na kanyang personal-best ay ang pinakamalaking iniskor ng isang Tigresses player sapul nang magtala si Aiza Maizo  ng 32 points sa five-set win ng UST kontra sa Ateneo  noong Nov. 27, 2010.

Nagtala si skipper EJ Laure ng 15 points habang umiskor si Ria Me-neses ng lima sa kanyang 13 points mula sa blocks para sa Tigresses.

Nagtulong naman nina Bryan Bagunas at James Martin Natividad sa 22 para sa National University  na nanalo sa  Adamson, 25-22, 25-22, 25-7 sa unang laro.

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY

AIZA MAIZO

ANG

BRYAN BAGUNAS

CHERRY RONDINA

DE LA SALLE

JAMES MARTIN NATIVIDAD

JEMA GALANZA

LADY FALCONS

MYLENE PAAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with