LOS ANGELES – Nagsalpak si Kobe Bryant ng pitong three-pointers at tumapos na may season-high 38 points para tulungan ang Los Angeles Lakers na wakasan ang 10-game losing slump sa pamamagitan ng 119-115 panalo sa Minnesota Timberwolves.
Nagdagdag si Lou Williams ng 20 points para sa Lakers, naiwasan ang pagtatala ng pinakamahabang losing skid sa kasaysayan ng 16-time champion franchise sa kabila ng pagsusuko sa 16-point lead sa second half.
Nauna nang nakalasap ang Los Angeles ng 10 sunod na kamalasan noong 1994.
Ibinigay ni Bryant, nasa kanyang farewell season, ang unang panalo ng Lakers matapos noong Jan. 12 mula sa kanyang mga mahahalagang tirada.
Matapos kunin ng Minnesota ang bentahe ay muling itinaas ni Bryant ang Lakers galing sa kanyang back-to-back 3-pointers.
Tumipa rin siya ng isang 19-footer sa huling 26 segundo na nagbigay sa Lakers ng 113-110 abante.
Kumonekta si Bryant ng anim na free throws sa huling 16.7 segundo para sa pinakamagandang laro ng third-leading scorer sa NBA history.
Nagdagdag naman si rookie D’Angelo Russell ng 18 points para sa Los Angeles.
Umiskor si Andrew Wiggins ng 30 points para sa Timberwolves, naipatalo ang huling limang sunod na laro, habang nagdagdag si Gorgui Dieng ng 19 points kasunod ang 14 ni Karl-Anthony Towns.
Naglaro ang Timberwolves na wala sina injured Kevin Martin, Nikola Pekovic at Kevin Garnett.
Sa Houston, kumayod si James Harden ng 26 points at pinantayan ang career-high na 14 assists para akayin ang Rockets sa 115-102 panalo laban sa Miami Heat.
Tinapos ng Houston ang kanilang tatlong sunod na kamalasan.
Isang maikling 7-2 atake ang nagbigay sa Rockets ng 104-89 bentahe sa huling limang minuto at hindi na nili-ngon pa ang Heat.
Isinilbi naman ni center with Dwight Howard ang kanyang one-game suspension dahil sa pagbangga sa isang opisyal sa kanilang nakaraaang laro.
Pinamunuan ni Luol Deng ang Miami sa kanyang 17 points.