MANILA, Philippines – Higit pa sa kanilang sarili ang ipaglalaban nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at American world welterweight titlist Timothy Bradley, Jr.
Ayon kay Teddy Atlas, ang chief trainer ni Bradley, parehong nakataya sa upakan nina Pacquiao at Bradley ang karangalan ng kanilang mga bansa.
“Pacquiao brings explosiveness, quick hands and quick feet,” sabi ni Atlas sa BoxingScene.com. “He brings more than that because he’s fighting for his people in the Philippines, there’s a great strength to that.”
“Timothy fights for his family and his people in this country,” dagdag pa nito kay Bradley, itataya ang suot na World Boxing Organization welterweight crown kontra kay Pacquiao.
Nakatakda ang pangatlong pagtutuos ng 37-anyos na si Pacquiao at ng 33-anyos na si Bradley sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ginulat ni Bradley si Pacquiao sa una nilang pagkikita noong Hunyo ng 2012 matapos itakas ang kontrobersyal na split decision victory.
Nakaresbak naman ang Filipino boxing superstar matapos kunin ang kumbinsidong unanimous decision win sa kanilang rematch noong Abril ng 2014.
Determinado si ‘Pacman’ na muling talunin si Bradley para sa kanyang pinakahuling laban matapos mabigo kay Floyd Mayweather, Jr. sa kanilang super fight noong Mayo 2.