^

PM Sports

Pacquiao, Bradley kapwa may ipinaglalaban

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Higit pa sa kanilang sa­rili ang ipaglalaban ni­na Filipino world eight-di­vision champion Manny Pacquiao at American world welterweight titlist Ti­mothy Bradley, Jr.

Ayon kay Teddy Atlas, ang chief trainer ni Bradley, parehong nakataya sa upakan nina Pacquiao at Bradley ang karangalan ng kanilang mga bansa.

“Pacquiao brings ex­plo­siveness, quick hands and quick feet,” sabi ni At­las sa Bo­xingScene.com. “He brings more than that because he’s fighting for his people in the Philippines, there’s a great strength to that.”

“Timothy fights for his family and his people in this country,” dagdag pa nito kay Bradley, itataya ang suot na World Bo­xing Organization welterweight crown kontra kay Pacquiao.

Nakatakda ang pa­ngat­long pagtutuos ng 37-anyos na si Pacquiao at ng 33-anyos na si Bradley sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ginulat ni Bradley si Pac­quiao sa una nilang pag­kikita noong Hunyo ng 2012 matapos itakas ang kontrobersyal na split decision victory.

Nakaresbak naman ang Filipino boxing su­per­star matapos kunin ang kumbinsidong unanimous decision win sa kanilang rematch noong Abril ng 20­14.

Determinado si ‘Pacman’ na muling talunin si Bradley para sa kanyang pinakahuling laban ma­tapos mabigo kay Floyd Mayweather, Jr. sa kanilang super fight no­ong Mayo 2.

vuukle comment

ABRIL

ACIRC

ANG

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER

LAS VEGAS

PACQUIAO

SHY

TEDDY ATLAS

WORLD BO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with