MANILA, Philippines – Nilinaw ng NBA ang paglilista kay Jordan Clarkson sa Team USA imbes na sa Team World para sa Rising Stars Challenge exhibition game ng 2016 All-Star Weekend sa Toronto sa susunod na buwan.
Sinabi ni Mike Perrelli ng NBA Communications na inilagay si Clarkson sa Team USA dahil siya ay ipinanganak sa United States.
Gusto ng mga Filipino fans na maglaro ang Los Angeles Lakers’ Filipino-American guard para sa Team World.
Ipinanganak ang 23-anyos na si Clarkson, ang inang si Annnette Davis ay half Filipino, sa Tampa, Florida ngunit humahawak ng Philippine passport. Umaasa ang Lakers’ rising star na makapaglaro para sa Gilas Pilipinas sa darating na FIBA Olympic qualifying tournament sa July.
Ngunit dahil sa pagiging isang US-born, sinabi ni Perrelli na si Clarkson ay inilagay sa line-up ng Team USA sa Rising Stars Challenge.
Itatampok sa even ang mga top-performing rookies at sophomores sa February 12 sa Air Canada Centre sa Toronto.
“In terms of Clarkson we generally classify international players based on where they were born, with the exception of those born on military bases overseas,” wika ni Perrelli.
Kabuuang 100 international players ang inilista sa mga lineups sa All-Star Game weekend mula sa 30 teams, at hindi kasama si Clarkson.