^

PM Sports

Phoenix pang-13 miyembro ng PBA

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang Phoenix Petroleum ang pinakabagong mi-yembro ng Philippine Basketball Association.

Ito ay matapos pormal na tanggapin ng PBA ang Phoenix Petroleum bilang bagong koponan nang maisumite ang lahat ng requirements para maging isang aktibong miyembro ng local pro league sa loob ng limang seasons.

Bukas-palad na tinanggap nina PBA chairman at acting CEO/president Robert Non, vice chairman Erick Arejola at iba pang miyembro ng PBA board ang Phoenix Petroleum sa liga matapos ang pulong sa PBA office sa Libis, Quezon City noong Huwebes.

Nangako ang Phoenix Petroleum na itutuloy ang kanilang partisipasyon sa PBA D-League hanggang sa susunod na conference.

Nakipagtambal sila sa UAAP champions na FEU Tamaraws para sa kampanya sa PBA D-League.

Kagaya ng iba pang PBA newcomers, nagbayad din ang Phoenix Petroleum sa PBA ng porsiyento ng kanilang pagbili sa Barako Bull franchise bilang league acceptance fee.

Binili ng Phoneix Petroleum ang Barako Bull franchise, pinamumunuan ni head coach Koy Banal at mga Gilas players na sina JC Intal at Mac Baracael, ng higit-kumulang sa P100 milyon.

Hinirang ng bagong ball club sina Phoenix president at chief executive officer Dennis Uy at top official Atty. Raymond Zorilla bilang team governor at alternate governor.

Naghahanap na ang Phoenix Petroleum ng import na kanilang ipaparada sa darating na PBA Commissioner’s Cup.

“We have a little time to prepare, so we’ll make do with what we have. In the first place, we are new in this endeavor, we don’t want to rock the boat,” sabi ni Zorilla.

Ni-retain ng Phoenix sina Willy Wilson, Mick Pennisi, Jeric Fortuna, Josh Urbiztondo, Chico Lanete at James Forrester.

“The PBA is one of the most accomplished marketing tools in the country, For a young company like ours, our PBA participation would make a big impact,” ani Zorilla.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa ang San Miguel at Alaska sa Game Six ng kanilang championship series kagabi para sa titulo ng PBA Philippine Cup. (NB)

ACIRC

ANG

ANG PHOENIX PETROLEUM

BARAKO BULL

CHICO LANETE

D-LEAGUE

ERICK AREJOLA

PBA

PHOENIX

PHOENIX PETROLEUM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with