Importante ang preparasyon at chemistry kay Baldwin

Si Gilas coach Tab Baldwin.

MANILA, Philippines – Ang pagbuo sa pinakamahusay na koponan at ang pagkakaroon ng matibay na team chemistry ang magbibigay sa Gilas Pilipinas ng tsansa laban sa mga powerhouse teams kagaya ng France sa Olympic Qualifier Tournament sa July.

Sinabi ni head coach Tab Baldwin na gustong bumuo ng isang koponang kabibilangan ng mga players na ibibigay ang lahat para sa Gilas Pilipinas.

Habang may pag-asang mahugot si Los Angeles Lakers star Jordan Clarkson para maglaro sa Gilas Pilpinas, hindi naman umaasa dito si Baldwin.

“Jordan has already made a statement that he wants to play for Gilas. But he has paper work issues with FIBA. If that works out then he’ll be part,” wika ni Baldwin.

“If he’s available he’ll be with Gilas. If he’s not available then we’ll move on without him,” dagdag pa nito.

Lalabanan ng Gilas Pilipinas ang France at New Zealand sa Group B at umaasaag tataluin ang dalawang koponan para makapasok sa semifinal round laban sa Canada at Turkey. Ang Senegal ang kasama ng Canada at Turkey sa Group A.

Sa pagdaraos ng OQTs ay tapos na ang NBA season kaya umaasa si Baldwin na mapupuno ang basketball court ng mga NBA players kagaya nina Tony Parker at Boris Diaw ng Spurs para sa France.

May ilang NBA players din ang Canada. 

“All these players will be available to play for their respective countries,” wika ni Baldwin.

Isang aktibong NBA player naman ang idinadasal ng Gilas Pi-lipinas na makasama sa Olympic qualifying.

“As a coach I believe in preparation,” ani Baldwin. “We want them here not on the last minute – even if we’re talking about Jordan.”

“You can come up with the best team but if you’re not prepared it won’t do anything. We need to rebuild our chemistry. That’s the task we have. And it takes time,” dagdag pa nito.

Bukod sa Manila, ang dalawa pang Olympic qualifying ay sa Italy at Serbia at ang tanging tatlong koponang magkakampeon ang makakakuha sa tatlong tiket para sa 2016 Rio Olympics sa August. (AC)

Show comments