Roach sisiguruhing mananalo si Manny

MANILA, Philippines – Si American world welterweight king Timothy Bradley, Jr. ang magiging pinakahuling laban ni Manny Pacquiao.

Kaya naman inaasahan ni chief trainer Freddie Roach na pipilitin ng Fi-lipino world eight-division champion na mapabagsak si Bradley sa kanilang pa-ngatlong bakbakan sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Manny wants to go out with a bang and knock Tim out,” sabi ni Roach sa pagsagupa ni Pacquiao kay Bradley sa panayam ng BoxingScene.com. “So I predict a knockout in nine.”

Ginulat ni Bradley, ang kasalukuyang World Boxing Organization welterweight titlist, si Pacquiao sa pamamagitan ng kontrobersyal na split decision sa kanilang unang banggaan noong Hunyo ng 2012.

Nakabawi naman si Pacquiao nang kunin ang unanimous decision victory sa kanilang rematch noong Abril ng 2014.

Sa hanay nina WBO light welterweight king Terence Crawford at  Amir Khan ay mas pinili ni Pacquiao si Bradley na labanan para sa sinasabi niyang pinakahuling laban bago tuluyang tutukan ang kanyang political career.

Bago ang kanilang two-city press tour sa United States kamakailan ay nagtungo muna ang 37-anyos na si Pacquiao sa kanyang doktor sa Los Angeles kung saan siya binigyan ng ‘go signal’ para labanan ang 33-anyos na si Bradley.

Tiniyak naman ni Roach na magiging handa si Pacquiao, nagmula sa unanimous decision loss kay Floyd Mayweather, Jr noong Mayo 2, sa kanilang pangatlong upakan ni Bradley.

“He’s 100%. The doctor gave him the green light,” wika ni Roach sa inope-rehang kanang balikat ng Filipino boxing superstar. “He’s 100% ready to start.”

Dadating sa bansa si Roach sa Pebrero 2 para simulan ang pagsasanay ni Pacquiao sa General Santos City.

Nangako naman si Bradley na muli niyang gugulatin si Pacquiao sa kanilang ‘trilogy’ sa tulong ng kanyang bagong trainer na si Teddy Atlas, gumiya sa kanya sa ninth-round stoppage kay Brandon Rios noong Oktubre. (RC)

Show comments