^

PM Sports

1st game ng Gilas ang importante kay Baldwin

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kailangang maipanalo ng Gilas Pilipinas ang kanilang magiging unang laro sa Olympic Qualifying Tournament (OQT) na pamamahalaan ng bansa sa July 4-10 sa Mall of Asia Arena para sa tsansa sa 2016 Olympic Games.

“In a very short tournament like this, you must come out winning,” wika ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kasama si team manager Butch Antonio.

Wala pang katiyakan hanggang kagabi kung sino sa lima sa kabuuang 18 koponan ang mapapasama sa Manila OQT.

May posibilidad na dalawa mula sa Europe katulad ng France (No. 5) o Greece (No. 10) at tig-isa buhat sa Africa katulad ng Angola (No. 15) o Senegal (No. 31) ang makakagrupo ng Gilas Pilipinas.

Dalawa pang koponan mula sa Africa at Americas ang maaaring makasama ng Nationals.

Ang Italy at Serbia ang host naman sa dalawa pang OQTs.

Ang drawing of lots ay nakatakda sa ganap na ala-1:30 ng umaga (Manila time) sa Geneva.

Sinabi ni Baldwin na wala siyang kontrol sa draw kaya hindi siya magpupuyat.

“I’m not going to lose sleep from one to seven in the morning whether Greece is coming or not coming. I have no control over that,” ani Baldwin. “Really I’m just worried about who we will be playing in our first game in the tournament.”

Sinuman sa Greece, Canada, France o Czech Republic ay tiniyak ni Baldwin sa mga Pinoy fans na magiging handa ang Gilas Pilipinas.

Dumalo si SBP Executive Director Sonny Barrios sa draw para sa tatlong Olympic qualifying tournaments sa FIBA House of Basketball kagabi.

Hindi inilabas ang detalye ng naturang draw kagabi (kaninang mada-ling araw-Manila time), ngunit kumpirmado nang hindi magkakasama-sama ang mga Asian countries na Philippines, Iran at Japan sa grupo.

Hinati-hati ng FIBA ang 18 participating countries sa anim na ‘bunutan’ na may tig-tatlong bansa.

Ang France, Serbia at Greece nasa unang  bunutan; ang Italy, Czech Republic at Canada ay nasa ikalawa at ang Philippines, Iran at Japan ay nasa pa-ngatlo. Nasa ikaapat na ‘bunutan’ naman ang Angola, Tunisia at Senegal, samantalang ang Latvia, Croatia at Turkey ay nasa pang-lima at ang  Mexico, Puerto Rico at New Zealand ay nasa pang-anim.

Sinabi ni Barrios na makakasama ng Pilipinas ang lima pang bansa sa Olympic qualifier sa Manila.  Ang mga magkakagrupong bansa ay maghaharap ng isang beses sa preliminaries at ang top two placers ay aabante sa knockout semifinals kung saan ang mga survivors ay maglalaban sa finals para sa ticket sa Olympics.

Ang mga preliminary games ay gagawin sa July 5, 6 at 7 at ang dalawang semifinal games ay itinakda sa July 9 kasunod ang finals sa July 10.

ACIRC

ANG

ANG FRANCE

ANG ITALY

BALDWIN

BUTCH ANTONIO

CZECH REPUBLIC

EXECUTIVE DIRECTOR SONNY BARRIOS

GILAS PILIPINAS

HOUSE OF BASKETBALL

MALL OF ASIA ARENA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with