TORONTO – Kumamada si guard Kyle Lowry ng 21 points at nagdagdag ng 20 si Jonas Valanciunas para tulu-ngan ang Raptors sa 112-94 paggupo sa Los Angeles Clippers at iposte ang kanilang season-high na walong sunod na panalo.
Nag-ambag naman sina DeMar DeRozan at Terrence Ross ng tig-18 points para sa Raptors.
Ito ang ikaapat na sunod na pagkakataon na dinaig ng Raptors ang Clippers para kumpletuhin ang kanilang ikalawang sunod na season sweep.
Ito rin ang unang pagkakataon sa franchise history na winalis ng Raptors ang dalawang Los Angeles teams sa season.
Nauna nang pinayukod ng Raptors ang La-kers sa dalawang beses nilang pagkikita.
Nagtala naman si guard Chris Paul ng 23 points at 11 assists sa panig ng Clippers, habang humakot si center DeAndre Jordan ng 15 at 13 rebounds at may 17 markers si JJ Redick.
Sa New York, umiskor si Brook Lopez ng season-high na 31 points at dumukot ng 10 rebounds para ihatid ang Brooklyn Nets sa 116-106 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.
Tinapos ng Nets ang seven-game winning streak ng Thunder.
Naglista si Kevin Durant ng 32 points, 10 rebounds at 7 assists para sa Oklahoma City na nabigong lamangan ang Brooklyn sa kabuuan ng laro.
Nagposte si Russell Westbrook ng 27 points, 11 rebounds at 7 assists para sa pang-limang kabiguan ng Thunder sa 27 games.
Sinamantala ni Lopez ang hindi paglalaro ni starting center Steven Adams para sa Thunder sa kanyang pagtatala ng 11 for 19 fieldgoal shooting.
Sa Philadelphia, nagtumpok sina Jae Crowder at Isaiah Thomas ng tig-20 points at tinalo ng Boston Celtics ang 76ers, 112-92.
Nagdagdag si Avery Bradley ng 19 points at may 16 si Marcus Smart para sa Celtics, naipanalo ang lima sa kanilang hu-ling pitong laro.
Pinamunuan ni Robert Covington ang 76ers sa kanyang 25 points.
Ang laban na ito ay dapat inilaro noong Sabado pero nakansela dahil sa Winter Storm Jonas. Dahil sarado ang airport ng Philadelphia, nag-practice na lang ang Celtics sa Boston at dumating sa Philadelphia ng Linggo ng umaga.