FIBA Olympic Qualifier draw: Sinu-sino ang kagrupo ng Gilas?

MIES, Geneva – Ito na ang ‘Draw Day’ para sa Olympic qualifiers na idaraos sa FIBA House of Basketball.

Inaasahang dadalo ang kinatawan ng 15 sa 18 participating countries para saksihan ang naturang pro-seso na gagawin ngayong alas-6:00 ng gabi (ala-1:30 ng madaling araw sa Manila).

Kakatawanin ni SBP executive director Sonny Barrios ang Pilipinas, isa sa tatlong Asian countries na maglalaro sa Olympic qualifiers.

Bukod sa pagsaksi sa draw ay makikipag-usap din si Barrios kay FIBA director of events Predrag Bogosevljev kaugnay sa pagho-host ng Pinas  ng isa sa tatlong Olympic qualifiers sa Mall of Asia Arena sa July 4-10.

Sinabi ni Barrios na maaaring dalawang European countries ang mapapabilang sa Philippine group dahil walo sa 18 participating countries ay mula sa Europe.

May posibilidad ding mapasama ang New Zealand mula sa Oceania sa naturang grupo.

Ang walong European countries na may FIBA world ranking ang No. 5 France, No. 6 Serbia, No. 8 Turkey, No. 10 Greece, No. 12 Croatia, joint No. 35 Italy and Latvia at No. 42 Czech Republic.

Ang tatlo namang Asian countries ay ang No. 17 Iran, No. 28 Philippines at No. 48 Japan at ang tatlong African countries ay ang No. 15 Angola, No. 23 Tunisia at No. 31 Senegal. Ang New Zealand ay No. 21.

“If you notice, there are only five countries ranked below the Philippines and three are from Europe, including the Czech Republic,” sabi ni Barrios.  “Four of the 18 participa-ting countries are in the world’s top 10.  Definitely, we’re in for a tough challenge, tougher than what we faced at the FIBA Asia Championships in Changsha last year. (QH)

Show comments