^

PM Sports

SMBeer buhay pa

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi pa handang isuko ng Beermen ang kanilang korona.

Bumangon ang nagdedepensang San Miguel mula sa 13-point deficit sa fourth quarter para talunin ang Alaska sa overtime, 110-104 sa Game Four ng 2016 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Naiwasan ng Beermen na mawalis ng Aces sa kanilang best-of-seven title series matapos idikit sa 1-3 ang kanilang labanan.

“The players accepted the challenge and they didn’t want to be swept by Alaska,” sabi ni coach Leo Austria. “I hope ‘yung momentum mapunta sa amin. We have to prepare for next game.”

Ipinoste ng Aces ang 13-point advantage, 84-71 sa 8:33 minuto ng fourth period mula sa basket ni guard Chris Banchero at kinuha ang 93-82 abante sa huling 3:29 minuto ng laro.

Subalit hindi nawalan ng pag-asa ang Beermen.

Sumandal kina Arwind Santos, Gabby Espinas at Marcio Lassiter, isang 14-0 atake ang ini-lunsad ng San Miguel para agawin ang unahan sa 96-93 sa huling 19.8 segundo.

Nakapuwersa ang Aces ng extra period laban sa Beermen makaraang isalpak ni Cyrus Baguio ang kanyang three-point shot bago tumunog ang buzzer sa regulation.

Sa overtime, dalawang tirada ni Vic Manuel ang nagbigay sa Alaska ng 102-98 bentahe sa 3:45 minuto hanggang bumandera si Chris Ross sa kanyang dalawang sunod na atake para itabla ang San Miguel sa 102-102 sa 2:47 minuto.

Ang mintis na jumper ni JVee Casio sa posesyon ng Aces ang nagresulta sa 3-pointer ni veteran guard Alex Cabagnot para sa 105-102 abante ng Beermen sa huling 1:52 minuto ng labanan. Nagsalpak si 6-foot-8 Yancy De Ocampo ng krusyal na jump shot sa 1:16 minuto na nag-angat sa San Miguel sa 107-102 sa huling 1:52 minuto ng labanan.

ALEX CABAGNOT

ANG

ARWIND SANTOS

BEERMEN

CHRIS BANCHERO

CHRIS ROSS

CYRUS BAGUIO

GABBY ESPINAS

GAME FOUR

LEO AUSTRIA

SAN MIGUEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with