PHOENIX -- Umiskor si Kawhi Leonard ng 21 points para pangunahan ang San Antonio Spurs sa 117-89 paggiba sa Phoenix Suns at ilista ang kanilang pang-12 sunod na arangkada.
Umiskor si Leonard, napili bilang isang All-Star starter sa unang pagkakataon sa kanyang career ng 8 points sa third quarter para sa ratsada ng San Antonio.
Nagdagdag naman si Boban Marjanovic ng 17 points at 13 rebounds, samantalang may 13 markers si Jonathon Simmons para sa panalo ng Spurs.
Naduplika ang best start sa franchise history, umangat ang Spurs sa 37-6 na naiposte ng 2010-11 team.
Nakuha ng Spurs ang panalo sa kabila ng hindi paglalaro nina starters Tony Parker at Tim Duncan.
Si Parker ay may right hip soreness at pinagpahi-nga naman si Duncan.
Bumandera si Devin Booker sa panig ng Suns sa kanyang 24 points.
Sa Cleveland, tumipa si LeBron James ng 22 points at 12 assists, habang nagsalpak si J.R. Smith ng anim na 3-pointers at tinalo ng Cavaliers ang LA Clippers, 115-102.
Kumolekta naman si Kevin Love ng 18 points at 16 rebounds para sa Cavs, naglaro sa kanilang unang home game matapos makatikim ng 34-point loss sa Golden State Warriors noong Lunes sa rematch ng nakaraang NBA Finals.
Matapos ito ay tinalo naman ng Cavaliers ang Brooklyn Nets noong Miyerkules.
Umiskor si Kyrie Irving ng 21 points para sa Cleveland, naipanalo ang 13 sa kanilang 14 laro kontra sa Clippers.
Nagtala si Chris Paul ng 30 points para sa Los Angeles, nagsalpak lamang ng anim na 3-pointers matapos magtala ng 22 laban sa Houston Rockets noong Lunes.
Muling naglaro ang Clippers na wala si star forward Blake Griffin (torn quadriceps).
Sa New Orleans, humakot si Anthony Davis ng 32 points at binigo ng New Orleans Pelicans ang Detroit Pistons, 115-99 para sa kanilang ikaapat na dikit na panalo.
Nagdagdag si Tyreke Evans ng 22 points at 10 assists para sa Pelicans, kinuha ang 72-53 halftime lead at hindi na nili-ngon ang Pistons.
Ito ang unang laro ng New Orleans matapos magkaroon si starting shooting guard Eric Gordon ng broken ring finger sa kanyang shooting hand at hindi makakalaro ng anim na linggo.