CLEVELAND -- Tumikada si Stephen Curry ng 35 points sa tatlong quarters habang nag-ambag si Andre Iguodala ng 20 sa pagbabalik ng Golden State Warriors sa arena kung saan nila inangkin ang NBA championship sa nakaraang season para durugin ang Cavaliers, 132-98.
Nagtala ang Warriors ng 30-point lead sa first half para makabawi buhat sa pagkatalo sa Detroit Pistons.
Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Golden State sa Cleveland.
Nagsalpak si Curry ng pitong 3-pointers, ang huli ay nagbigay sa Warriors ng 40-point lead sa dulo ng third quarter.
Sa Quicken Loans Arena ibinulsa ng Warriors ang una nilang korona matapos noong 1975.
Pinamunuan ni Le-Bron James ang Cavaliers sa kanyang 16 points.
Sa Los Angeles, kumamada si J.J. Redick ng career-high na 40 points at nagposte ang Clippers ng franchise-record na 22 3-pointers sa 140-132 overtime win laban sa Houston Rockets.
Naikonekta ni Redick ang una niyang limang tres para tumipa ng 9-for-12 shooting sa 3-point line para parisan ang club record ni Caron Butler.
Sina Kobe Bryant at Donyell Marshall ay parehong may walong tres para sa NBA single-game record.
Nagtala naman si Chris Paul ng 28 points at 12 assists para sa Clippers.
Kumolekta si Dwight Howard ng 36 points at napantayan ang career high na 26 rebounds para sa kanyang ika-10 sunod na double-double, ang pinakamahabang active streak sa liga, sa panig ng Rockets.
Sa Charlotte, nagtala si Kemba Walker ng franchise-record na 52 points para igiya ang Hornets sa 124-119 double-overtime win laban sa Utah Jazz.
Sa New York, nagbalik si Carmelo Anthony mula sa two-game absence at isinalpak ang panablang 3-pointer sa natitirang 3.4 segundo sa regulation at tinalo ng Knicks ang 76ers sa double overtime, 119-113.