Baby Tamaraws blinangko ang Eaglets
MANILA, Philippines – Kumamada si Chester Gio Pabualan ng dalawang goals para ihatid ang defending champion Far Eastern University-Diliman sa 6-0 dominasyon sa Ateneo De Manila University sa UAAP juniors football tournament sa Moro Lorenzo Football Field.
Dahil sa kanilang pamamahala sa first round ay kumolekta ang Baby Tamaraws ng maximum na 9 points.
Binuksan ng tubong Bukidnon na si Pabualan, ang leading scorer ng torneo mula sa kanyang 3 goals, ang laro nang umiskor sa ika-13 minuto at isinalpak ang ikalawa bago ang fulltime.
Ang iba pang FEU-Diliman goalscorers ay sina Nikko Jay Caytor (46th), Orian Togores (64th), Christian Bacara (74th) at John Villaseñor (84th).
Naglaban naman ang De La Salle-Zobel at University of Santo Tomas sa scoreless standoff sa isa pang laro.
- Latest